Me bago ng halal na Pangulo ang Pilipinas, si President Rodrigo "Digong" Duterte na nanumpa noong June 30, 2016. Sabi ko naman bago eleksiyon di ko sha iboboto pero pag nanalo sha ok rin naman sa akin. Siempre si MDS ang binoto ko at proud ako isa ako sa mahigit 1M na nanatiling tapat na taga suporta ni MDS. Pero ayun nga kumpara ke Digong na 16M ang boto si MDS eh naka mahigit lang 1M. Ok lang, move na tayo at siguro nga tama lang kasi me sakit na rin si MDS para di na sha mashado ma stress. Sa nakalipas na ilang linggo ng pagiging lider ni Digong madami naman na ang nagbago at mukang kasama naman ang bayan/masa sa kanyang mga balakin kaya mabuti din. Ngayon nagkukusa na ang mga tao na sumunod sa batas at ito'y napakagandang simula para sa isang lider. Sana lang magtuloy tuloy pa ang suporta ng taong bayan sa ating bagong LIDERATO.
Nahalal din na senador si Manny Pacquiao, di ko binoto at kahit pa Barangay Captain di ko sha iboboto. I have my reasons, basta para sa akin di nya deserve ang senate seat, mas maraming mas deserving sana pinaubaya na lang nya eto. Kakalungkot kasi di natin alam kung ano ang tunay na motibo ng taong ito sa pagsabak sa National scene ng Politics. Sana kung gusto tumulong, tulong na lang sha sa ibang paraan. Pwede sha magtayo ng mga sports clinic/program para sa mga atletang idedevelop para sa mga paligsahang pang internasyunal. Anong gagawin nya sa Senado, sa Kongreso nga nganga sha, bat naisipan pang mag Senado. Humaygawd!!
Ang kasalukuyang Miss Universe ay galing sa Pilipanas si Miss Pia Wurtzbach na nanalo noong December 20, 2015 sa Las Vegas, Nevada. Siya ang pangatlong Miss Universe ng Pilipinas na sumunod kina Gloria Diaz (1969) at Margie Moran (1973). Siempre madaming natuwa at marami sa mga henerasyon ngayon ng Pinoy eh nasaksihan na rin na makoronahan ang isang Pinay.
Madami pa sana kuwento kaya lang pagod na ako. Sa sunod na lang po ulit.
**di ko pag aari ang mga larawan, na google ko lang.