Banton is literally located in the center of the Philippine archipelago- east to west and north to south.
...and this is where i grew up.
dito sa munting isla na ito ako pinanganak ng aking mga magulang, taong isang libo siyam na raan at pitumpo't pito. bunso sa limang magkakapatid na puro lalake. simple lang ang buhay sa amin, pag bata ka sigurado mahilig ka maligo sa dagat, pag school days mararanasan mo maulanan, pag walang dalang raincoat ang gagamitin eh dahon ng saging, pag alang dalang kutsilyo kakagatin mo para maputol sha (yung dahon ng saging). pag panahon ng abril at ewan kung hanggang anong buwan di ko na mashadong tanda eh, maraming prutas - bayabas, mangga, atis, suha, duhat, balimbing, sampalok at marami pang iba.
taong 1984 pumasok ako sa unang baitang sa Mababang Paaralan ng Nasunogan. Nasunogan nga pala ang pangalan ng aming barangay, ang iskul na iyan ay akzhali para sa 2 barangay na - kasama namin pumapasok dyan ang mga taga barangay Yabawon - kung saan nagmula naman ang aking ina. ang aking ama ang tubong brgy. Nasunogan. ang apelyido ko na kakaiba ay madalas kung uriratin sa ina ng aking ama (lola bebe ko), pero wala rin shang malinaw na maisagot kung saan ba talaga nagmula ang aming grand LOLO!. ok fine, natapos ko ang grade 1, pumasa ng grade 2, nakatapos ng grade 3, at pumasa rin sa grade 4.
daming memorable moments ang grade school dahil dito natuto ng lahat ng mga bagong bagay...ugali, pagsasalita ng maayos, pag bibihis ng tama at kung anu ano pa. ewan ko ba di ko rin tanda ang dahilan kung bakit bigla na lang nung mag gigrade 5 na lumipat ako ng Coron, Palawan. siguro dahil andun na mama at papa ko, kasi naiwan ako sa lola eh. nung umuwi ako ng banton last arpil 2011 nahalungkat ko sa baul (as in literal na baul) ang aking report card nung grade 1. ayan pinost ko..in fairness di naman pala ako ganun ka bobo...hehehe!
Report Card nung Grade I sa NES